Maging Opisyal na GoPalengke Beta Tester!
Kailangan namin ng hindi bababa sa 12 testers na gagamit ng app sa loob ng 14 na araw para mailabas ang GoPalengke sa Google Play Store para sa buong Pilipinas.
Sumali sa Beta Testing
Paano Sumali
- 1
Ilagay ang pangalan at Gmail mo sa form
Gamitin ang parehong Gmail account na naka-login sa Play Store ng Android phone mo.
- 2
Hintayin ang email mula sa GoPalengke
Idadagdag ka namin sa tester list. May matatanggap kang email na may download link — i-check ang inbox at spam folder.
- 3
I-install at buksan ang app
I-download ang GoPalengke mula sa Play Store. Kung hindi pa lumalabas, maghintay ng ilang minuto at i-refresh.
- 4
Gamitin sa loob ng 14 na araw
Huwag i-uninstall. Buksan at i-explore ang app kahit isang beses kada araw para makumpleto ang requirement ni Google.
Pumili kung paano sasali bilang tester
Gamitin lang ito pagkatanggap mo ng email namin.
Mga Madalas Itanong
Bakit "App not available" ang lumalabas?
Baka hindi ka pa naidadagdag sa tester list, o ibang Gmail account ang gamit mo sa Play Store. Hintayin ang email namin at gamitin ang parehong Gmail.
Libre ba ito?
Oo, libre ang pag-install at pag-test. Ligtas ito at galing mismo sa Google Play Store.
Ano ang gagawin ko sa app?
Mag-browse ng tindahan, tingnan ang mga produkto, at subukan ang mga features. Kung may makita kang problema, i-message kami sa Contact page.
Maraming salamat sa pagtulong sa GoPalengke! 💚 Bumalik sa Home
